Muling nagkaisa at nagsaya ang buong departamento sa makabuluhang paglulunsad ng Buwan ng Wikang Pambansa 2024 nitong Biyernes, ika-09 ng Agosto, habang suot ang kanilang mga kasuotang Pinoy. Tampok sa paglulunsad ang iba’t ibang gawain tulad ng katutubong sayaw ng mga guro, parada ng mga Lakan at Lakambini, at salo-salo. Naging matagumpay rin ang iba’t ibang ganap sa bawat baitang – ang Paggawa ng Bandiritas sa Baitang 1 at 2; Larong Pinoy sa Baitang 3; Biyahe ni Juan Art Exhibit sa Baitang 4, Wansapanataym sa Baitang 5; at Boses Ateneo Grade 6 Showdown sa Baitang 6.
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024, binibigyang halaga ang ating sariling wika at kultura bilang instrumento ng paglaya mula sa kamangmangan at kakapusan sa pamamagitan ng kritikal na pag-iisip, komunikasyon, kolaborasyon, at pagkamalikhain.
Mabuhay ang wika at kulturang Pilipino!